MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 117

 

MAPAYAPA sa pangkalahatan o “generally peaceful” ang naging paggunita ng ating mga kababayan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa katatapos lamang na Semana Santa, ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police.

 

 

Ayon kay PNP Chief, Police Director General Ricardo Marquez, nakatulong ng malaki aniya ang paglulunsad ng PNP ng Oplan Ligtas “SUMVAC 2016” o Summer Vacation, Oplan Lambat-Sibat, at ang maagang pagtataas ng full alert status partikular sa National Capital Region, sa rehiyon ng Mindanao at heightened alert naman sa Luzon at Visayas Region para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng ating mga kababayan.

 

Bukod sa pagbibigay ng seguridad ng ating mga pulis sa mga matataong lugar gaya ng mga bus terminals, mga paliparan at pantalan at sa mga simbahan ay nakiisa din ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang mga pananampalataya sa Diyos, at sa kanilang mga sinumpaang tungkulin para sa bayan.

 

Samantala, ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, PCSUPT Wilben Mayor, mananatiling nakaalerto aniya ang PNP ngayong summer vacation at dahil sa nalalapit na rin ang National and Local Elections sa buwan ng Mayo, ito ay upang patuloy na mabantayan at mabigyan ng seguridad ang ating mga kababayan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.